Shyne17’s Weblog

Lumen

Posted by: shyne17 on: May 31, 2009

Turo ng pinsan kong wais (na itago na lang natin sa pangalang Luman) habang kami ay namimili sa isang tyangge: “Wag ka talagang magpakita ng interes sa mga gusto mong bilhin na gamit, pag nakita ng nagbebebnta na gusto mo ang isang produkto nya, mamahalan nya ‘yung produkto.” Bigla akong nakapag-isip. Kaya naman pala konti lang ang natatawad ko eh,minsan wala pa, kasi naman pag may gusto ako sa sabihin ko agad sa kasama ko: “Hala! Ang ganda! Bagay to dun sa isa kong skirt.” Sabay tanong sa tindera,“ Magkano po to?”. Syempre,tataasan nya ang presyo. At kahit na tumawad ako ay hindi talaga ibababa ng tindera. Ayun natuto na ako sa sinabi ng pinsan ko. Syempre, economic crisis nga daw, dapat wais aka Lumen sa Surf na ang lahat ng tao. Yang mga nagbebenta namang yan ay hindi naman papapayag na ibigay sayo ang tinda nila kung wala silang tubo. Kahit pa sabihin naman na wala silang tubo ay meron parin naman yan, konti nga lang siguro. Isa pang payo ni Lumen sa akin ay dapat daw pag tumawad ay siguraduhing mababa ng husto ang presyong sisimulan dahil patataasan din talaga yan ng tindera.Pag nagumpisa ka sa sobrang babang presyo, aabot ang tawaran sa isang mababang presyo. Halimbawa: “Ano? Tatlong daan? Pwede isang daan na lang po?.” Mamumutla ang tindera, sasabihin na mahal ang kuha nila, at kung anu-ano pa. Pero sa huli, makukuha ang produkto ng dalawang daan hanggang dalawang daan, singkenta piso. Nakatipid ang bumili. Ang hindi ko lamang maintindihan sa ibang tao ay bakit bago tawaran ay hahanapan pa ng sira ang paninda. Halimbawa, sa canteen: “Ate, sampung piso na lang po to, huling piraso na naman yan eh.” O di kaya, sa damit: “Ate, isang daan na lang po to o, old stock na rin naman po eh.” Kaloka! Aba naman, hindi naman napapanis ang damit kung old stock na ito at ano naman ang kinalaman ng pagiging huling piraso ng manok sa kanyang presyo? Kung ako ang tindera, maiimbyerna talaga ako. Bakit kasi sisiraan pa yung produkto? Para sa akin, mas katanggap-tanggap pa yung estilong kunwari ay aalis na lang kung hindi ibibigay ang presyong gusto. Bagalan lang ang paglakad, at tatawagin ka agad ng nagbebenta. Ang masakit nga lang ay kung hindi ka pipigilan ng nagbebenta. Patigasan na lang. Ang problema ay kung kaylangan mo o gusto mo talaga ang produkto, edi ang pride ay lunukin na lang. Kung mapride ka talaga, pwede rin namang itaon mo na ibang tindera ang magbenta sayo. Bilhin mo agad at alis. At ayon sa aking karanasan, mahirap lang bantayan ang pag alis ng unang tindera. Ang mga Pilipino talaga sa kabuuan ay matatalino, ang masakit na parte ay ito: dahil sa sobrang talino, nagagamit ito para manloko ng kapwa. Dahil sa panloloko ng ibang tao sa mga niloloko, natututo na ang mga naloloko at sila rin ay unti-unting nagiging mga manloloko. Ang labas, lahat na ng Pilipino ay manloloko. Kaya siguro isa tayo sa nangungunang bansa na nasa “Most Corrupt Countries” kasi nga ang mga lider ay manloloko, na ginagaya din ng mga simpleng tao.

Leave a Reply


  • anonymous: ^.^
  • Mr WordPress: Hi, this is a comment.To delete a comment, just log in, and view the posts' comments, there you will have the option to edit or delete them.

Categories